BATAS MILITAR NI MARCOS

Batas militar ni Marcos ay ginunita

kahapon lamang sa buong bansa.

Napakarami ang nagprotesta

at pumunta doon sa Luneta.

 

May rally ang grupo ng dilawan,

ganundin ang mga miyembro ng akbayan

at iba’t-ibang sektor sa lipunan

upang ipahayag ang nararamdaman.

 

May sarili ding pagtitipon

mga tagasuporta ng administrasyon

mula Mindanao, Visayas at Luzon,

nagsama-sama buong maghapon.

 

Bukod sa mga pulitiko,

maraming artista ang dumalo.

Meron din mga musikero

na nagpa-bibo sa mga tao.

 

Kahit masama ang panahon,

‘di alintana ang sitwasyon.

Inilabas lahat ang emosyon,

‘di nagpapigil sa demonstrasyon.

 

Don’t join rallies, PNP tells students

Mga pulis ay nasa paligid,

matiyaga silang nagmasid.

Nangawit sila sa pagtindig,

iba nga’y di na nakainom ng tubig.

 

Ngunit naging tahimik talaga

sa kabuuan ang naging resulta.

Kaya thumbs-up! sa ating pulisya

sa maganda nilang ginawa.

Ano nga ba ang idinulot ng Martial Law?

MARTIAL LAW. Ex-senator Bongbong Marcos interviews ex-defense minister and Senate president Juan Ponce Enrile. Screenshots from Bongbong's YouTube account

Kung si Enrile ang tatanungin mo

puro positibo ang isasagot sa’yo.

Sa edad nyang nobenta y kwatro

malamang ay iisipin mo

ulyanin na ba ito?

o may amnesia lang siguro.

 

Ngunit sa palagay ng maraming tao

‘di pa sya nasisiraan ng ulo

‘pagkat naaalala pa nya mismo

na dati’y Defense Secretary sya ni Apo.

Iyan ay nakataga na sa bato

at kailan ma’y di makakalimutan ng mga tao.

 

Natatawa na lang ang taong bayan

dahil sa lumang palabas na yan.

Ano nga bang meron na naman?

May kinalaman ba ‘yan sa darating na halalan?!

 

Oo, siguradong di na sya tatakbo,

pero sino nga ba ang nasa likod nito?

Di na nila maloloko ang mga tao

sa mga plano nilang klaro.

 

Mga nangyari noon ay nakasulat na,

mahirap na itong makalimutan pa

lalo na’t maraming nagdusa

sa sistema ng diktadura.

Ano nga ba ang totoong nangyari?

Ang pinakamagandang basehan dito

ay ‘di lang ang nakasulat na kasaysayan sa libro,

kundi’y karanasan at patunay mismo

ng mga taong biktima ng “martial law”.

 

Gaya ng alam ng madla,

kaliwa’t kanan ang mga testimonya

ng mga naging biktima.

Karamiha’y manunulat at tagapagbalita

sa tv, radio, dyaryo at iba pa

at nagkaroon ng “news blockout” sa bansa.

 

Laganap ang militarisasyon.

Ang mga bumabatikos sa gobyerno noon,

at ang mga nasa panig ng oposisyon,

kung di pinapatay ay kinukulong ng mahabang panahon.

Kaydaming mga naitala

na mga naging biktima

ng pagpatay at pananamantala

sa karapatang pantao ng masa.

 

Ultimo mga kabataan,

hindi rin pinagbigyan.

Mga estudyante sa paaralan,

na tumutuligsa sa pamahalaan

ay biglang naglaho, di malaman

ng kapamilya kung sila’y nasaan.

 

Noon din ay talamak na

ang “EJK” kahit saang banda.

Madre, Pari o basta maka-masa,

dinukot at pinagbabaril ng walang awa.

Mga tao’y mulat na

Ang akala siguro ng ibang pulitiko

Tulog pa rin ang maraming tao.

Nagkakamali sila dito

‘pagkat natuto na si Pedro Penduko.

Sa totoo lang ang mga biktima noon

ay mga magulang ng mga Millennials ngayon.

Kaya humanda kayo mga TRAPOng pulitiko

dahil darating na ang magpapatalsik sa inyo!

 

Ang sigaw ng madla ay tama na!

ang nakalipas, huwag ng ulitin pa.

Ipaubaya na lang sa iba,

dun sa tapat maglingkod sa kapwa

at walang mga “hidden agenda”.

 

2 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *