ELEKSYON SA PILIPINAS

Naghahanda na naman ang mga pulitiko

sa eleksyon sa Pilipinas sa Mayo

Napakaraming gustong tumakbo

para lang sa iilang pwesto.

 

Ang iba ay sobrang nalilito

kung saan sasanib na partido.

Yung mga batikan ng kandidato

lipat ng lipat ng grupo.

Kaya tuloy laging natatalo

dahil sa pagkabalimbing nito!

 

Napakaraming personalidad at artista

ang mga sumusubok sa pulitika.

Ngayon nama’y pati si Robin Padilla

at si Dingdong na asawa ni Marian Rivera.

ang maugong na papasok sa “political arena”.

 

Kaydaming mga gustong tumakbo

at umaasang mananalo.

Isa na dyan si Gen. Bato,

ganundin itong si Bong Go.

Nakalista rin si Agot Isidro,

pati na rin si Leah Navarro

at manunulat na si Mon Tulfo.

 

Yung iba nama’y sumasawsaw lang talaga

Gaya na lang dati nitong si Mystica.

Kaydaming pinagsasabi sa social media

laban sa mga pulitikong ayaw n’ya.

Ngunit ngayon ay nagsisisi na

at humihingi ng tulong sa showbiz career nya.

 

Malamang yung dating di pinalad na iba

magbabakasali muling  sumubok pa.

Kahit laging talo’y ‘di nadadala

dahil baka nga naman maka-tsamba,

mababawi lahat ng nagastos nya

dahil  pag nakaupo na’y tiba-tiba sya.

 

Yung iba ay panggulo lang talaga.

Kahit di masyadong kilala sa masa

may itsura lang at pera,

tatakbo na kahit walang ibubuga.

Kapuna-puna sa mga kandidato

Kaybabait talaga ng mga pulitiko

kung kailangan nila ng mga boto.

Sa kampanya laging nakangiti ito,

‘pag naluklok na’y napaka-isnabero.

 

Ang iba naman ay puro kaway,

sa mga tao ay kamay ng kamay.

Pero lumalabas ang tunay na kulay

‘pag nasa pwesto na’y nagiging pasaway.

 

Pag nalalapit na ang eleksyon,

ano nga ba ang laging meron?

Di na bago sa atin simula pa noon,

patayan dito at patayan doon.

 

Laging sangkot ay mga pulitiko,

yung mga takot maagawan ng pwesto.

Kawawa naman mga biktima dito

lalo na yung mga tapat sa serbisyo.

Mga pangako – napapako

Ang pamimili ng mga boto

ng mga mandarayang pulitiko

ang madalas na senaryo

kahit sa araw ng halalan mismo.

 

“Pagbabago sa buhay ng mga tao”

ang bukang bibig ng mga kandidato.

“Ang mga walang trabaho, magkakaroon nito”.

Pinapaasa ang maraming boboto,

pero kapag nakaupo na’y “nganga” mga Pilipino.

 

“Uunlad tayo” ang sabi ng mga TRAPO.

Pero puro kurakot ang ginagawa nito.

Imbes na magsilbi sa mga tao,

nagpapayaman mula sa pera ng gobyerno.

 

” droga ay tuluyang mawawala”,

Isa yan sa mga plataporma

ng ibang matatamis ang dila.

Ngunit hindi mo alintana

protektor pala ng drug lords sa bansa.

 

Buti na lang naagapan yung isa.

Sana hanggang ngayo’y namamayagpag pa.

Sa mga lalaki ay mahilig din sya

‘yan tuloy, rehas na lang kapiling nya.

Madalas nagaganap

Sa loob ng mga prisinto

madalas may mga tensyon dito

sapagkat may mga reklamo

sa mga rehistro ng mga bumoboto.

 

Eleksyon ay automated na

pero bakit ba may issue pa

sa dagdag-bawas gaya ng nakaraan, di ba?

Kahit tanungin nyo pa si Chairman Bautista.

 

Ang pamimili ng mga boto

ng mga mandarayang pulitiko

ang madalas na senaryo

kahit sa araw ng halalan mismo.

 

Yung ibang di tanggap ang pagkatalo,

sila daw ay dinaya umano.

Kaya nagsampa dati ng kaso

at nag-request pa ng re-count ito.

 

Meron din mga pulitiko

kapag sila ay dehado,

pinababaril nila mismo

ang mga katunggali nito.

 

Sa mahabang panahon,

pagdating ng eleksyon

ganyan lagi ang sitwasyon.

Wala na ba itong solusyon?

May pag-asa pa nga ba?

Ayon pa sa mga Millennials ngayon,

habang lumilipas ang panahon,

kahit papaano’y umuusad ang sitwasyon.

Hindi gaya ng nangyayari noon.

 

Sana nga ay tuloy-tuloy na

at samahan ng ibayong dasal pa

upang lahat  ay magkaisa

lalo na ang mga namumuno sa bansa.

Sapagkat sabi nga nila,

“pag nagkakaisa, may pag-asa”.

 

 

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *