BAGYO SA PINAS

Hay! May bagyo na naman!

Ompong ang pangalan.

Mga tao’y muling kinakabahan

sa magiging kahihinatnan

at iiwan nitong kapinsalaan

sa kabuhayan ng mamamayan.

 

Bagyo sa Pinas ay laging ganito,

kawawa naman ang mga tao

lalo na yung bahay ay di semento,

iskwater at nasa kariton lang sa kanto.

 

Ang siguradong ligtas sa masamang panahon

Si Sen. Trillanes na bantay sarado ngayon,

nakatira sa senado mula pa kahapon

dahil sa kaso pa n’ya noon

na may kinalaman sa rebelyon.

Hagupit ay malupit

Ang lalong masaklap sa bagyo,

baha at landslide ang laging kasama nito.

Ang mga tao’y di makapag-trabaho,

estudyante’y di makapasok ng ilang linggo,

‘pagkat paarala’y bahang-baha ang kwarto.

Bukod sa mga negosyong nape-perhuwisyo,

maraming sakit ang dinudulot nito

lalo na sa mga evacuees na nasalanta ng husto,

walang gamot, damit at mga pagkain ito.

 

Kaya kung di man sila mamatay sa bagyo,

sila ay babawian ng buhay sa evacuation center mismo.

Iyan talaga ang pinakamasaklap dito,

nawala na ang bahay at gamit ng tao,

pati buhay bigla ding maglalaho.

Sino nga ba ang may pakana?

Napakalungkot ng katotohanang ito

na kahit sino ay di ito gusto.

May sisisihin ba tayo?,

Kongreso ba, Pangulo o Senado?

Walang makakasagot nito ng wasto

Kahit tanungin pa si Bong Go

na nagbabalak tumakbo sa Mayo.

 

Kaylupit ng laging senaryo

kapag dinadalaw tayo ng bagyo.

Ngunit mapipigilan ba natin ito?

Kahit isumbong mo pa kay Tulfo,

‘di ka matutulungan nito.

Lagi na lang tayong bugbog sarado,

sa mga mapaminsalang bagyo.

Dati ay hinagupit din tayo

ni lola “yolanda” ng husto.

Pati na rin si lolo “ondoy” na ‘to,

pinahirapan din tayo ng todo!

 

Sana naman kay “Ompong” ngayon,

( na ang sentro ay hilagang luzon )

sandali lang ang sungit ng panahon

upang tayo agad ay makabangon.

May ngiti pa rin at pag-asa

Ang isang tanging maganda

pagdating sa ganitong sakuna,

talagang damang-dama

pagtutulungan sa isa’t-isa.

Kahit na tayo’y nasalanta na

punung-puno pa rin ng pag-asa

na muling babangon at magsimula.

 

Tayo man ay may problema,

may ngiti pa rin sa ‘ting mukha.

Isa yan sa ipinagmamalaki ng mga pinoy sa iba!

 

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *